October
5, 2011 araw ng kapistahan ni Sta. Faustina Kowalska ng ako ay pumasok at
napabilang sa mga Brader ng Blessed Sacrament Missionaries of the Poor. Ang aking
kongregasyon na pinasukan ay may debosyon sa Divine Mercy.
Si Sta. Faustina ay tinaguriang Apostle
of the Divine Mercy. Sinadya o hindi, ang araw ng aking pagpasok ay sakto sa
araw ng Kapistahan ng nasabing Santa. Ngayon ko lamang napag-alaman ang mga
baga'y na ito. Sa uri ng pamumuhay mayroon sa loob ng kumbento, ito’y hindi mo
matatagalan lalo na kung sanay ka sa buhay na petiks-petiks lang. Sabi nga sa
akin ng isang kaibigan, ang pagtugon sa buhay kabanalan ay napakahabang proseso
at ito ay bubunuin mo sa loob ng napakahabang panahon.
Kapag nais mong maglingkod
sa Panginoon, kalimutan mo na muna ang iyong sarili, at sa pagkalimot mong ito
talikuran mo na din ang iyong sariling kagustuhan at sundin kung ano ang
kalooban ng Panginoon para sa iyo. Isang matibay at malalim na paniniwala at
pananampalataya ang kinakaylangan upang maging malinaw sa iyo ang lahat ng
bagay sa loob at labas ng kumbento. Walang ibang kalaban kundi ang sarili.
Hindi ang mga taong pumipigil sa iyo, o ang hirap ng Gawain sa kumbento ang
maaring maging dahilan ng iyong pagsuko at paglabas kundi ang iyong sarili.
Bago ako pumasok sa
kinabibilangan kong kongregasyon, ang akinmg buhay ay nakasentro sa mundo ng
pulitika.
Ako’y naging aktibo sa mundo ng
pulitika. Puno ng pakikibaka ang daan na aking binaybay. Mga isyu at usaping
nasyonal at lokal ang aking madalas na sinusuong. Kahit na may banta ng
panganib sa aking buhay ay hindi ko itinigil ang aking pakikibaka. Walang
sinisino, lahat ay aking binabangga. Malapit man sa akin ang pulitiko basta
alam kong ako’y nasa tama ipinaglalaban ko ang karapatan ng aking kapwa.
Nagpakasasa ako sa makamundong
pamumuhay, pakikipaglaban, at pangangaylangan. Bagay na lubha kong
pinagsisisihan. Masyado kong pinanghawakan ang pansamantalang kapangyarihan na
sa akin ay ipinahiram. Kinalimutan ko siya, at kinalimutan ko ang aking sarili.
Naging malayo ako sa kalooban ng Diyos, at kasabay nito naging malayo ako sa
aking pamilya. Inakala ako na hindi ko sila kaylangan tulungan, dahil mas
marami ang higit na nangangaylangan ng aking tulong at presesnsya kaysa sa
kanila.
Akala ko noon, ako’y nakalaan na sa
buhay na iyon. Ngunit hindi pala. Ang lahat nga talaga ng bagay sa mundong ito
ay may hangganan. Nagbalik-loob ako sa Panginoon. Hiniling ko sa knaya na
tulungan niya akong mapalapit muli sa kanya. Nais ko na muling maglingkod sa
kanya at sa aking kapwa sa tama at maayos na pamamaraan. Sa pamamaraang nais
niya.
Minsan nagagawa nating magtiwala sa
sinasabi ng ating kapwa, pero sa salita at pangako ng Panginoon ay hindi tayo
madalas nagtitiwala at nananalig. Sa kapahintulutan ng aking Kagalang-galang na
Superyor ako ay lumabas ng aming kumbento upang ipagpatuloy ang aking
ginagawang paglilingkod sa simbahan at sa pagtulong sa kapwa lalo’t higit sa
mga kapus-pald.
Hindi naging madali ang aking buhay
noong ako ay lumabas ng kumbento. Kahit na sa ikli ng panahon ng aking nagging
paglagi sa bahay ng mga brader eh nahirapan akong mag-adjust.
“Ang kalooban mo Panginoon ko ang siya nawa ang
maganap at hindi ang sa akin o ang kung sa kanino pa man.” Ito ang lagi kong sinasambit.
Sa tulong at pagpapala ng Panginoon
naitatag ang Save Life, Save Soul
Movement, layunin ng samahang ito na maglingkod sa mga nangangaylangan, ang
magpakain sa mga nagugutom, magpainom sa mga nauuhawa, mag-aruga sa mga may
sakit o karamdaman. We are inspired by Blessed Teresa of Calcutta. Alam kong
kulang ang lahat ng ito sa paglilingkod na dapat kong gawin.
Patawarin ako ng Panginoon sa aking
pagkukulang bilang isang brader, patawarin ako nga Panginoon dahil hindi ako
nakakasama sa mga oras na ang mga brader sa aming kumbento ay nananalangin,
patawarin ako ng Panginoon dahil ako ay nasa labas ng aming kumbento.
Ang puso ko ay labis na nahahapis,
nalulungkot, at nagdurusa sa mga baga’y na hindi ko ninanis at ni minsan ay
hindi ko pinangarap. Mahal ko ang aking ginagawang paglilingkod, ngunit alam
kong walang katutunguhan ang lahat ng ito. Alam kong dapat na akong bumalik sa
aming kumbento at ito din ang isinisigaw ng aking puso.
“Choose for yourselves this day whom you
will serve.” – Joshua 24:15 I know my dear brothers and sisters that now is
the time to choose the Lord, because tomorrow may be too late.
Mga minamahal kong mga
kapatid kay Kristo, tulungan ninyo akong manalangin sa Panginoon na ang kanyang
dakilang kalooban ang mangyari at hindi
ang sa akin.
Bro. Pio Lorenzo T. Tarca
No comments:
Post a Comment